Sources

  1. National Anti-Poverty Commission, “Kilos Sambayanan” - Accessed 2025-01-29

Ang Comprehensibo Na Pagtingin Sa Kahirapan

Objectibo Ng Kilos Sambayanan

Dahil sa inequality at underdevelopment sa ating bansa, maraming Pilipino ay hindi nakakatamasa ng kanilang mga pangangailangan. Ang mga pangangailangan na ito ay itinukoy ng NAPC sa kanilang Sampung Batayang Pangangailangan.

Ang Kilos SAMBAYANAN ay isang panawagan para labanan ang kahirapan gamit ng pagtutulungan ng lahat. Ito rin ay gagamitin bilang isang sukatan sa bisa ng proyekto sa pagpapaunlad ng buhay ng mga Pilipino.

Natutugunan Ba Ng Mga Pilipino Ang Kanilang Mga Pangangailangan?

  1. Karapatan sa sapat na pagkain
    • May 1.3 milyong pamilya (katumbas sa 8.2 milyong Pilipino) na walang sapat na pera upang makabili ng sapat na pagkain bawat buwan (Philippine Statistics Authority [PSA], 2015).
    • 2.2 milyon pamilya ay nakaranas ng gutom sa ikalawang kwarto ng 2017 (Social Weather Stations).
    • Nakabatay din ang kawalan ng access sa pagkain sa mababang produksyon sa sektor ng agrikultura.
  2. Karapatan sa malinis na tubig at sanitasyon
    • 14.5% (3.3 milyong pamilya) ng mga pamilyang Pilipino ay walang mapagkukunan ng malinis na tubig (Annual Poverty Indicators Survey, 2014).
    • 6.1% (1.33 milyong pamilya) ay walang malinis na palikuran.
    • 332 munisipalidad sa bansa ang itinuturing walang tubig (DSWD, 2015).
  3. Karapatan sa nakakasapat na pamantayan ng pamumuhay
    • Bahagi nito ay ang karapatan sa pabahay na may katiyakan, kapayapaan, at dignidad.
    • 2.02 milyong yunit ang housing backlog sa bansa (Housing and Urban Development Coordinating Council, 2016).
      • 799,798 pamilyang naninirahan sa di-katanggap-tanggap na bahay
      • 493,427 kahating pamilya naninirahan sa loob ng iisang bahay
    • 6.8 milyong unit ang kabuuang pangangailangan sa pabahay sa bansa mula 2017-2022
    • 12.4% ng pamilya ay wala pa rin kuryente.
    • Mas maraming pondo ang kailangang ilaan sa pabahay.
  4. Karapatan sa Trabaho
    1. 5.6% ng mamayang nasa edad ang walang trabaho (Labor Force Survey, 2017)
    2. 27.7% ay self employed
    3. 5.2% ay hindi binabayaran ng pamilya upang magtrabaho (famiy worker)
    4. 16.3% ay underemployed
    5. 18.2% ay precariously employed
    6. 11.9% ay low-paid
  5. Karaptan na makamit ang pinakamataas na pamantayan ng kalusugan
    • Noong 2015, 93 milyong Pilipino ang nasasaklaw ng National Health Insurance program.
    • Ang mga maysakit ay bumabayad pa rin ng 55.8% ng mga gastusin.
    • 1:33,000 pampublikong doktor kada bawat Pilipino (DOH)
  6. Karapatan sa Edukasyon
    • 92.6% ng mga 6-11 na bata ay naka-ernol sa mababang paaralan (PSA, 2013).
    • 64.9% ng mga 12-15 na bata ay naka-ernol sa mataas na paaralan (PSA, 2013).
    • 20.7% ng mga 16-24 na bata ay naka-ernol sa kolehiyo (PSA, 2013).
    • 28.8% ay hindi naka-enrol dahil sa trabaho.
    • 15.7% ay kakulangan ng kita ng pamilya para sa gastusin ng pag-aaral
  7. Karapatan sa Pangangalagang Panlipunan
    • Tumutukoy sa karapatan sa seguridad sa kabuhayan dahil sa mga puwersang wala sa kontrol ng isang tao
    • 30.6% ay kasapi ng Social Security System (noong 2010, ito ay 27.7%)
    • 1.3 milyong indigent senior citizens ay nasaklaw ng National Health Insurance Program at Social Pension Program.
    • 68% ng populasyon ay hindi bahagi ng social security system
    • 81% ng mga retirees ay hindi pa natatamasa ang benepisyo ng SSS o GSIS
  8. Karapatan sa Ligtas na Kapaligiran
  9. Karapatan sa Kapayapaan
  10. Karapatan sa Pakikilahok